Isang araw ay napagod akoBakit ko ba ipipilit ang pagtakbo?
Kung pwede namang tumigil at umupo
magisip at maghintay
Kung tutuloy ba ako o susuko
Tumigil ako2
Tumigil ako sa paghabol sayo
Nagpahinga at humiga
At di namalayan nakatulog na pala ako
Nakatulog ang pusong pagod
Na naghintay at umasa
Pumikit ang mga matang
Sawa nang lumuha
Sa paggising ko ay nagising na din ang puso ko Hindi ko inakala na sa pagsuko ko
Mapapawi ang sakit sa pusong ito
Hindi ko namalayan na sa pagsuko ko
Ay mas minahal ko ang sarili ko
At sa pagtigil ko
Nais kong sabihin sayo
Salamat mahal,mahal na mahal kita
Pero pasensya na suko na ako.
No comments:
Post a Comment